Duterte, pinagbabayad ang US kung nais nitong panatilihin ang VFA sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes na kinakailangang “magbayad” ng Estados Unidos kung nais nitong panatilihin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa bansa.

Inakusahan ng Pangulo ang Washington ng “pagkuha nang napakalaki mula sa bansa” kahit pa hindi natutugunan ang demands ng Pilipinas.

Sinabihan umano niya noon si dating US President Donald Trump na nangangailangan ang bansa ng US guided rockets, kung saan nakahandang magbayad ang bansa, suablit hanggang ngayon ay wala pa rin aniyang nangyayari tungkol dito.

“I would like to put on a notice, if there is an American agent here, that from now on, you want the Visiting Forces Agreement done? You have to pay. It’s a shared responsibility, but your share of responsibility does not come free,” ani Duterte.

“After all, when the war breaks out, we all pay. You, kami, we are nearest to the garrison where there are a lot of arsenals of the Chinese armed forces,” dagdag pa ng Pangulo. 
 
Subalit, kinilala rin ng Pangulo na kinakailangan ang presensya ng US sa Pilipinas sa ngayon.

Aniya, “OK na lang ako d’yan.”

Unilateral na kinansela ni Duterte ang dalawang-dekadang-taong VFA noong nakaraang taon, bilang pagtugon sa pagkansela sa visa sa isa nitong kaalyado. In-extend naman nang dalawang beses ang withdrawal period ng nasabing kasunduan.

LATEST

LATEST

TRENDING