DBM Secretary, nais itaas ang downpayment limit para sa Covid-19 vaccine procurement

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Budget Secretary Wendel Avisado
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado noong Biyernes na ang downpayment limit para sa pagbili ng Covid-19 vaccine ay dapat itaas, habang posibleng makaapekto sa vaccination drive ang 15 percent na limitasyon.

Sa isang pahayag, idiniin ng kalihim na kinakailangang itaas ang 15 percent na limitasyon tungkol sa advance payments upang matiyak ang “timely and efficient implementation of the COVID-19 vaccination plan. “

Nagiging sagabal umano ang nasabing limitasyon sa bansa upang mabilis na makapagbuo ng kasunduan sa mga drugmakers, sapagkat nauunang makabili ang mayayamang bansa ng bakuna.

“Currently, pwede ka lang magbayad o mag-advance payment hanggang 15 percent… Ang gusto ng mga pharmaceutical industries, bayaran mo na… ia-advance mo na ang payment bago mai-deliver… In other words, talagang tatalunin tayo ng mga mayayamang bansa,” paliwanag ni Avisado.

Hinikayat naman ng kalihim ang publiko na maging maunawa sa pamahalaan sapagkat hindi nito maaaring ibunyag ang bawat detalye sa mga kasunduan sa vaccine manufacturers, tulad ng presyo at uri ng delivery, bunsod ng non-disclosure agreement.

Tiniyak nito na ang lahat ng transaksyon ng pamahalaan ay nananatiling “legitimate and honest.”

Kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang pamahalaan sa Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Novavax, Sinovac, Gamaleya, at Johnson & Johnson (Janssen Pharmaceutica).

Ngayong buwan, umaasa ang gobyerno na matatanggap nito ang unang batch ng mga bakuna mula sa Pfizer at Sinovac.

Sinabi rin ng kalihim na ang inilaang pondo para sa mga bakuna na nagkakahalaga nang P82.5 bilyon ay “handa nang ilabas.”

“‘Wag po tayong mag-worry. Nakikipagtulungan ang mga local government units natin at sila din ay handa na bumili sa abot ng kanilang makakaya,” giit ni Avisado.

LATEST

LATEST

TRENDING