Delivery ng Pfizer Covid-19 vaccines sa bansa, magkakaroon ng ‘slight delays’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magkakaroon ng “slight delays” sa delivery ng 117,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, giit ni testing czar Vince Dizon noong Huwebes, habang patuloy itong umaasang darating ang mga ito ngayong buwan.

Sa isang Palace briefing, sinabi ni Dizon na pinoproseso pa ng pamahalaan ang ilang dokumento bago ang pagdating ng mga bakuna galing sa US drugmaker na Pfizer at AstraZeneca ng UK.

Hindi naman ibinunyag ni Dizon ang karagdagang detalye, subalit idiniing pinoproseso na ang mga dokumento ng Department of Health, sa tulong ng World Health Organization at COVAX facility.

Aniya, “We were assured na tinatapos na ito as we speak. May slight delays lang sa deliveries nung initial Pfizer [vaccine] na 117,000 [doses].”

Unang sinabi ng mga opisyal na posibleng mai-deliver ang unang batch ng mga bakuna sa gitna ng buwan.

Gayunpaman, umaasa umano ang pamahalaan na darating ang inisyal na batch “sa loob ng Pebrero.”

Para naman kay WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe, “walang delay” subalit inaming may kulang pang requirements ang Pilipinas upang mai-schedule na an vaccine shipment.

Aniya, “We must acknowledge that the Philippine government has been responding proactively and very fast.”

“No sooner than these requirements are fulfilled, we believe that the COVAX can schedule a delivery date,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING