Roque, idiniing sumusunod sa quarantine protocols matapos mahawa sa Covid-19 ang isa nitong staff

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes na siya ay “100% compliant” sa mga umiiral na health protocols, bagama’t ibinunyag nito na isa sa kanyang mga staff ang nagpostibo sa Covid-19.

Ayon kay Roque, na nagdaraos ng kanyang briefing sa kanyang tahanan simula noong Lunes, hindi siya lumabag sa quarantine protocols habang nasa official trip nitong weekend.

Aniya, “I always have a reason to go out and I always take advantage of where I am but I never violate the rules. Sa mga kritiko ko po pasensya na po, lawyer ito, professor, and 100% compliant with the rules.”

Nilinaw din nitong ang nagpositibo nitong staff ay hindi niya kasama nang magtungo siya sa Iloilo at Boracay noong nakaraang linggo.

“Maraming malisyosong sinasabing nagpunta ako doon maski exposed. Hindi totoo yan. Kalokohan po iyan,” ani Roque.

“Ako po ay nasa Iloilo at Boracay noong Friday at Saturday, umuwi po ako ng Sunday, dumiretso po ako sa Airport Diagnostic Center para mag-PCR dahil nga po aattend sana tayo ng meeting na kasama si Presidente kahapon,” dagdag  pa nito.

Nakipag-ugnayan din umano ang opisyal sa kanyang staff upang sumailalim sa Covid-19 testing, at ang kanyang staff na nagsudo sa kanya sa airport ay nagpositibo doon lamang. Hindi niya aniya alam kung saan nahawa ang nasabing miyembro ng staff.

“Yung trip ko to Visayas, wala akong exposure doon. At hindi ko po kasama yung staff ko na nagpositive,”giit ni Roque.

Inihayag din ng DiveGurus, isang dive shop sa Boracay, na hindi kasama ni Roque ang kanyang staff nang pumunta ito sa kanila. Inobserbahan din umano ng shop ang pagsunod sa safety protocols habang isinasagawa ang diving activity.

“None of Sec. Roque’s other staff members were present during his dive. Following safety protocols, our equipment is dipped in disinfectant solution after every dive and each staff adheres to the COVID safety guidelines,” pahayag nito.

Ang mga out-of-town trips ni Roque noon ay kadalasang binabatikos subalit mariin nitong tinatanggihan na ito ay para sa leisure. Dinipensahan niya ang kanyang sarili sa isang briefing at sinabing “personal advocacy” niya ang tumulong sa sektor ng turismo.

LATEST

LATEST

TRENDING