50-70 milyong Pinoy, inaasahang mababakunahan vs. Covid-19 sa dulo ng taon: Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr

Makapagbabakuna ang Pilipinas nang 50 hanggang 70 milyong Pilipino kontra Covid-19 sa dulo ng taon kung darating sa oras ang mga bakuna, giit ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Linggo.

Makakukuha ang bansa ng nasa 10 milyong doses ng Covid-19 vaccines sa ilalim ng global alliance na COVAX Facility sa first quarter, kabilang ang 117,000 doses ng Pfizer vaccine na inaasahang darating sa ikatlong linggo ng buwan, dagdag pa ng opisyal.

Layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 hanggang 80 milyong adultong Pilipino upang makamit umano ang herd immunity.

“Sa best case scenario po, kung meron po tayong enough supply at naging successful ang negotiation natin, by December, kaya po natin 50 to 70 million,” ani Galvez.

Dagdag pa nito, “Kung magkakaroon po tayo ng shortage ng supply, worst case scenario po natin, middle of 2022 po.”

Sa ngayon, pumirma na ng term sheets sa limang drugmakers ang bansa, kung saan aabot sa 108 milyong doses ng bakuna ang napagkasunduan, wika ni Galvez.

Ito ay bukod pa sa 44 milyon na ibibigay ng World Health Organization sa ilalim ng COVAX Facility.

“More or less 152 million doses na po tayo. Kung titingnan po natin, ididivide po natin sa dalawa, meron na po tayong more than 75 million na mababakunahan,” paglilinaw ni Galvez.

Sa vaccination, bibigyan ng prayoridad ang mga health workers na nasa COVID-19 referral hospitals na unang rumesponde laban sa Covid-19 pandemic, dagdag pa ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING