Robredo, tinuligsa ang Malacañang dahil sa pagtanggi sa mga ‘propaganda’ nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Binanatan ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Linggo si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa pagtanggi na binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang “propaganda” sa halip na magpokus ito sa Covid-19 response.

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo, hindi nag-atubili si Robredo na punain ang naging komento ni Roque.

Aniya, “Pero ‘yung pag-respond sa aking puna ay propaganda pa din. Parang pinapalabas nila bine-blame ko raw yung ating health workers, baliktad ‘yun.”

Ayon sa Bise-Presidente noong nakaraang linggo, dapat maging proactive ang pamahalaan sa Covid-19 response sa halip na ibaling ang prayoridad sa propaganda habang nasa gitna ng krisis ang bansa.

Sa sumunod na araw, sinabi naman ni Roque sa kanyang briefing na dapat pasalamatan ni Robredo ang mga health workers para sa kanilang trabaho. Tinanggihan din nito ang mga paratang na nagpopokus ang gobyerno sa “red-tagging” sa halip na depensahan ang teritoryo ng bansa mula sa China.

“Iyong sa akin lang, kung kailangan magdepensa, magdepensa. Pero ‘yung klase ng depensa, nakakalungkot kasi ito na ba ‘yung klase ng public servants natin?” giit ni Robredo.

Dagdag pa nito, “Para sa akin, hindi naman natin dinedeserve na ‘yung mga public servants natin mga bastos. Hindi natin dinedeserve na ubod ng yabang, diba ‘yung mga sinasabi ‘pag humaharap sa tao, unnecessary.”

Idiniin ni Robredo na patuloy niyang iginagalang ang mahalagang papel ng health sector laban sa pandemiya at binanggit ang mga ginawang tulong ng kanyang tanggapan para sa kanila. Sinabi rin nitong ang mga health workers ang nahihirapan kung hindi ginagawa nang maayos ng gobyerno ang tungkulin nito.

Aniya, “‘Yung opisina namin grabe ‘yung suporta sa kanila (health workers), sila ‘yung araw-araw, sila ‘yung sumasabak. At pag hindi tama ‘yung response ng gobyerno, lalo natin silang papahirapan,” she said. “Hindi po natin pinupuna ‘yung health workers dahil ‘yung problema natin hindi sila.”

Unang nagbigay ang Office of the Vice President ng libreng shuttle service para sa health workers simula noong Marso 17 nang ipatigil ang pampublikong transportasyon sa Luzon. Nagbukas din ito ng limang dormitoryo sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila upang i-accommodate ang mga medical health workers at frontliners na nangangailangan ng matitirhan.

Pinangunahan din ng Bise-Presidente ang hakbang tungkol sa paggamit ng reusable protective equipment para sa health workers at frontliners sa buong bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING