Plano ng pamahalaan sa distribusyon ng Covid-19 vaccines, kasado na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tiniyak ng gobyerno na nakalatag na ang kanilang hakbang oras na dumating sa paliparan ng bansa ang mga bakuna kontra Covid-19.

“Mula sa airport, it will undergo the clearance from the Bureau of Customs. It will be very fast. Naka-flag na ‘yan sa Bureau of Customs,” paglilinaw ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

“Mayroon na po tayong one-stop shop doon po sa [Ninoy Aquino International Airport]. At it will take only a few hours. Mga one hour or 2 hours, lalabas na po kaagad ‘yong ating mga bakuna,” ayon naman kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. 

Sisiguruhin naman ng mga pulis at airport security personnel ang kaligtasan sa transportasyon ng mga bakuna mula paliparan hanggang warehouse, dagdag pa ni Galvez.

Aniya, “Gagawa po tayo ng special lane para hindi po ma-delay.”

Ang mga bakunang may temperature requirement ay idederetso sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City, kung saan ito ang magsisilbing government centralized vaccine hub. Target itong mabuo sa loob nang 20 minuto.

Mula RITM, idi-distribute naman ang mga bakuna sa regional warehouses ng Department of Health (DOH). Pangungunahan ang distribusyon ng Center for Health Development, kung saan ipamamahagi ito mula regional hubs patungo sa local government units (LGU).

Pagdating sa LGU, responsibilidad na nito upang dalhin ang mga vaccines sa implementing units tulad ng mga ospital at iba pang vaccination sites.

“We are ensuring na ‘yong bawat point ng paglilipatan ng bakuna, mayroon tayong appropriate na storage facilities and we can check the potency of these vaccines will be retained,” dagdag pa ni Vergeire.

Para naman sa mga bakunang may ultra cold storage requirement tulad ng Pfizer, susundin ang nakasaad sa Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19 Vaccines kung saan ilalagak ang mga nasabing bakuna sa mga inupahang private warehouse ng pamahalaan.

Mula rito, responsibilidad na ng cold storage company na i-deliver ang mga bakuna sa mga ospital at vaccination sites.

“What will be most important is for us to maintain the potency of the vaccines, dahil ‘yong temperature niya is very sensitive,” giit ni Vergeire.

Nagpaalala rin ang opisyal para sa mga naman ni maghahawak ng Pfizer vaccines.

“Kapag ang isang area o ospital ay walang ultra low freezer, kailangan ‘yong bakuna na ibinigay sa kanila, it can be maintained in 2 to 8 degrees na temperature, pero has to be consumed within 5 days,” paglilinaw ni Vergeire.

“Kapag naman binuksan na, kailangan within 6 hours ma-consume ang bakuna,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST