Duterte, umapela sa mga komunista na ‘wag galawin ang Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes sa Communist Party of the Philippines (CPP) na pahintulutan ang pagbiyahe ng mga Covid-19 vaccines nang “malaya at ligtas” sa mga liblib na lugar kapag dumating na ang mga ito.

Aniya, “The Communist Party of the Philippines must guarantee that the vaccines, in the course of their being transported to areas where there are no city health officers and medical persons, na wag ninyong galawin ang medisina.”

“Allow the vaccines to be transported freely and safely. I am asking you now to observe that rule, because that is for the Filipino people,” giit ni Duterte.

Binanggit din ng pangulo ang mga ulat na pinakikialaman umano ng mga komunista ang pagpasok ng ayuda mula sa pamahalaan sa mga rural na pook. Hinikayat nito kinalaunan ang mga rebelde na obserbahan ang “rules of humanity.”

Nagbanta naman itong magdeklara ng batas militar noong nakaraang taon dahil sa pang-aabuso umano ng mga rebeldeng komunista. Nagbanggit ito ng mga paulit-ulit na pag-atake laban sa tropa ng gobyerno na nagdadala ng mga relief goods sa mahihirap na komunidad.

Nanawagan din ang pangulo sa iba pang mg ahensya ng pamahalaan na huwag harangan ang delivery ng mga bakuna.

“To every government worker, lahat tayo… do not delay and do not hinder or obstruct the smooth flow na nakikita niyo ngayon, from the time of arrival to the time of clearance,” wika ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Ang trabaho lang ninyo, Customs, is magtingin. You have no business na buksan buksan ‘yan diyan. You’re not allowed to do that. I’m not allowing anybody diyan sa airport na magbukas-bukas.”

Inatasan naman ni Duterte ang Philippine National Police (PNP) na siguraduhing ligtas ang pagbiyahe ng mga bakuna.

Aniya, “The PNP should provide escorts to ensure the fastest way the vaccines will arrive. Even on the matter of transporting from one facility to another, the police should provide that kind of mobility.”

Inaasahang aarangkada ang initial rollout ng Covid-19 vaccines sa bansa sa first quarter ng taon.

LATEST

LATEST

TRENDING