Duterte, hindi pa rin papayagan ang operasyon ng ABS-CBN kahit bigyan pa ito ng prangkisa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Kahit bigyan pa ng Kongreso ng bagong prangkisa ang ipinasarang network na ABS-CBN, idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang mag-isyu ng permit ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa operasyon ng nasabing network.

“Congress is planning to restore the franchise of the Lopezes. Wala akong problema doon kung i-restore ninyo,” ani Duterte sa kanyang televised address noong Lunes.

“But if you say that if they can operate, kung may ano na sila, no. I will not allow them. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate,” pagbibigay diin ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, hindi niya papayagan ang balik-operasyon ng network hangga’t mabayaran ng mga Lopez ang kanilang obligasyon sa buwis.

Aniya, “Kalokohan ‘yan. Parang binigyan mo sila ng prize for committing criminal acts.”

Noong nakaraang taon, tinanggihan ng mga mambabatas ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN dahil sa tax-avoidance schemes, dual citizenship ng chairman emeritus nitong si Eugenio “Gabby” Lopez III, kapabayaan sa pag-regularize ng mga empleyado, at biased reporting.

Tinanggihan naman ito ng network at pinanatili ang posisyong wala itong layabilidad sa buwis. Sinabi rin ng Bureau of Internal Revenue at Securities and Exchange Commission noong nakaraang taon na sumusunod sa mga regulasyon ang network, taliwas sa mga alegasyon laban dito.

Nawala sa ere ang ABS-CBN noong Mayo 2020 matapos mag-expire ang prangkisa nito.

Noong Enero, naghain ng bill na layong magbigay ng bagong prangkisa sa network si Senate President Vicente Sotto III. Naghain din ng kaparehong panukala sa Mababang Kapulungan si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto.

LATEST

LATEST

TRENDING