Roque: Wala pang tiyak na petsa para sa pagdating ng Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Wala pang tiyak na petsa kung kailan darating sa bansa ang mga bakuna kontra Covid-19 galing sa COVAX facility, paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Lunes.

Ayon sa opisyal, inaasahang ipagbibigay-alam ng COVAX sa bansa kung kailan inaasahan ang pagdating ng Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccines bagama’t handa na ang Pilipinas na ipatupad ang vaccine rollout sa Pebrero 15.

Aniya, “Ang magsasabi po ang COVAX facility [kung kailan darating]. We expect them to notify us two to three days before para makapaghanda sa pagsundo sa airport dahil nga po sub-zero [ang kailangang storage temperature].”

“COVAX said it will be made available mid-February. As far as we are concerned, handang handa na po tayo sa pagbabakuna. We are ready to do it by February 15,” dagdag pa ni Roque.

Sa ilalim ng mass Covid-19 vaccination plan ng gobyerno, mauunang matuturukan ng bakuna ang frontline workers sa health facilities, partikular na ang mga nasa Covid-19 referral hospitals. Hindi naman umano magtatagal nang isang buwan ang The vaccination ng medical frontliners, ayon kay Roque.

“We expect COVAX to contact us anytime now,” dagdag pa nito.

Ang unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility ay inaasahang mayroong hindi bababa sa 117,000 doses. 

Inaasahan din ang pagdating ng nasa 5.5 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa unang quarter ng taon.

“Ang frontline health workers po natin ay 1.4 million. Hindi ko po alam ilan ang expanded [number of frontliner workers in health facilities], pero may sapat po tayong supply kasi may darating na AstraZeneca na 5.5 million doses,” paglilinaw ni Roque.

Ang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca ay parehong ibinibigay sa dalawang doses.

Samantala, nag-isyu naman ang Food and Drug Administration ng emergency use authorization para sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca COVID-19 vaccines matapos matukoy na mayroon itong efficacy rate na 92% to 95% at 70%.

LATEST