Duterte, inaprubahan ang pagtatatag ng National Amnesty Commission

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng National Amnesty Commission bilang hakbang para tiyakin ang kapayapaan sa iba’t-ibang grupo sa bansa, pahayag ng Malacañang noong Lunes.

Sa isang briefing, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinahintulutan umano ni Duterte ang pagtatatag ng nasabing komisyon, na kabibilangan ng pitong miyembro. Kasama rito ang isang chairperson at dalawang regular na miyembro na kanyang ia-appoint.

“Kasama ito sa ating hakbang tungpo sa kapayapaan kung saan hiningi natin ang kamay ng kapayapaan sa ilang mga grupo para sila ay bumalik sa normal at payapang buhay,” ani Roque.

Gayunpaman, hindi pa naisasapubliko ang kopya ng nasabing kautusan at hindi pa malinaw kung ipoproseso lamang ng komisyon ang mga aplikasyon para sa amnesty ng mga dating rebelde.

Ang mga pinuno ng Department of Justice, Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang magsisilbi bilang ex-officio members ng komisyon, ayon kay Roque.

Ipoproseso umano ng komisyon ang amnesty applications at tutukuyin ang mga eligible na aplikante “in connection with the recent amnesty proclamations pending concurrence of Congress.”

“Yung amnesty po, parang hindi nangyari ang mga bagay-bagay na nagawa ng ibang grupo na usually nagiging krimen ng rebelyon,” wika ni Roque.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, may kapangyarihan ang Pangulo na magbigay ng amnesty, isang public act na nangangailangan ng pahintulot ng Kongreso.

Maaari ring makapagbigay ng pardon ang Pangulo sa kahit sinong indibidwal, subalit private act lamang ito ay kinakailangan lang ang pagsang-ayon ng taong na-pardon.

LATEST

LATEST

TRENDING