Covid-19 vaccine na ituturok kay Duterte, pagdedesisyunan ng kanyang doktor

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ng Malacañang noong Martes na tanging ang doktor lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapasya kung anong Covid-19 vaccine ang ituturok sa kanya.

“Let’s just say this issue will have to be discussed by the President with his physician,” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang government briefing.

“He is, of course, under the advice of his physician,” dagdag pa nito.

Sinabi noon ni Roque na isa si Duterte sa mga unang makatatanggap ng bakuna sapagkat kabilang ang Pangulo sa senior citizen category. Subalit, inihayag naman ni Duterte noon na ang kanyang mga pagpipiliang bakuna ay ang mga brands na manggagaling lamang sa China o Russia, at kung posible, magpapaturok ito ng tig-iisang doses mula sa bawat bansa.

Sa ngayon, tanging mga bakunang gawa lamang ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca ang binigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING