Black Hawk helicopters, gagamitin sa pagde-deliver ng Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Philippine Air Force

Mas maraming Black Hawk helicopters, na mapapasakamay ng militar, ang gagamitin upang magdala ng mga bakuna kontra Covid-19 sa mga liblib na lugar sa bansa, pahayag ng Department of National Defense (DND) noong Sabado.

“They can and will be used in airlifting relief goods and first responders during disasters, as well as ferry supplies such as perishable vaccines and medicines to far-flung areas that are difficult to reach by land,” pahayag ng ahensya.

Nakatakdang mag-umpisa ang Covid-19 vaccine rollout ng bansa sa Marso.

Ayon sa DND, gagamitin din ang mga helicopters sa paglikas ng mga tao tuwing may emergencies.

Naunang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng 15 additional Black Hawk helicopters upang palitan ang mga lumang Huey choppers ng Philippine Air Force, giit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Huwebes.

Ito ay matapos masawi ang pitong sundalong lulan ng isang bumagsak na Huey chopper noong Enero sa Bukidnon. Ito na ang ikaapat na helicopter crash sa loob ng anim na buwan, diin ni Nograles.

Ayon kay Nograles, ang kauna-unahang Huey chopper ng bansa ay lumipad 64 taon na ang nakalilipas.

Nakatanggap ang air force ng anim mula sa 16 Black Hawk choppers noong nakaraang taon, ayon sa DND. Ang natitirang mga units ay ide-deliver naman ngayong taon.

LATEST

LATEST