Roque sa mga kritiko ni Duterte: ‘Manigas kayong lahat’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque
Kuha ni: Joan Bondoc (Inquirer)

Binanatan ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay nang pagmamalaki nito sa isang infrastructure project na babayaran ng taumbayan.

Si Roque ay isang panauhin sa pagdating ng cutter head na kasama sa isa sa anim na tunnel boring machines na gagamitin para sa partial operability section ng subway.

Ayon sa opisyal, ang nasabing equipment ay makatutulong sa “renaissance of Philippine infrastructure.” 

Bagama’t maraming kritiko ang pangulo, maaalala umano ito para sa “renaissance of infrastructure,” pagsugpo ng Covid-19, at sa lahat ng social legislation na isinulong nito.

“As we know the President has many critics and they will not stop until they regain power… Let today’s event be recorded in the annals of Philippine history as another first of the Duterte administration,” ani Roque.

“And to his critics, I have only this to say: Manigas kayong lahat,” dagdag pa nito.

Ang Cutter Head ang pinakamalaki at pinakamabigat na parte ng tunnel boring machine, na may timbang na 74 tons. Ang pangunahing layunin nito ay magbungkal ng lupa sa pamamagitan ng pag-ikot ng 36-piece disc cutter nito, ayon sa Department of Transportation.
 
Ang natitirang bahagi ng makina ay darating ngayong buwan.

Nagbigay ang Japanese government ng P51.3-bilyong loan para sa unang subway ng Metro Manila, isa sa mga pangunahing proyektong pang-imprastraktura ni Duterte.

Ang unang batch ng tunnel boring machines ay gagamitin upang pabilisin ang paggawa ng bahagi ng Metro Manila subway sa Brgy. Ugong, Valenzuela hanggang sa North Avenue sa Quezon City.

Ang pagwawakas ng proyekto ay inaasahan sa 2025 sa halip na sa unang deadline na 2026, sabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

LATEST

LATEST

TRENDING