Maynila, balak magbigay ng libreng Covid-19 tests para sa mga estudyanteng babalik sa face-to-face classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso
Larawan mula sa: Manila PIO

Binabalak ng Lungsod ng Maynila ang pagbibigay ng libreng Covid-19 testing para sa mga mag-aaral na kabilang sa face-to-face classes, pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno noong Biyernes.

May tatlong RT-PCR machines at 2 laboratories ang lungsod, na kayang tugunan umano ang demand para sa swab tests, ayon sa alkalde.

Aniya, “We can offer regularly para magkaroon sila ng peace of mind. We can submit them to swab testing and it can be available for free so as not to add cost to the students.”

Inaprubahan ng lokal na pamahalaan noong Miyerkules ang panukala ng University of Santo Tomas na magdaos ng limitadong face-to-face classes para sa medical at allied health programs.

Inilatag ng UST ang protocols para sa muling pagbubukas ng klase, kabilang ang reduced occupancy capacity, crowd management, at random inspection ng local government, sabi ni Moreno.

“The nitty-gritty are in place, and all we have to do is to trust the institution. I think they are responsible enough to know all these things,” ani Yorme.

Ayon sa opisyal, UST pa lamang aniya ang humingi ng pahintulot mula sa lokal na pamahalaan, subalit umaasa itong magiging “good symbol” ang unibersidad hinggil sa pagdaraos ng face-to-face classes.

Gayunpaman, bukas umano ang lungsod para sa applications mula sa iba pang institusyon na may medicine courses, kabilang ang mga maliliit na nursing schools.

“Malamang sa hindi papayagan namin,” diin ni Moreno.

Inaprubahan din kamakailan ang face-to-face classes sa University of the Philippines-Manila, Our Lady of Fatima University-Valenzuela, at Ateneo de Manila University.

LATEST

LATEST

TRENDING