Roque: Produkto ng supermarket, kasama rin sa pork price cap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Ang itinakdang price cap ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa baboy ay sasaklaw din sa mga produkto ng supermarket, sa halip na wet markets lamang, paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kabilang umano sa suggested retail price ang supermarkets sapagkat karamihan dito ang nakakukuha ng mas murang pork.

“Nangako po ang ating DTI… magkakaroon ng label na imported ang baboy na ibinebenta sa supermarket at kapag ito po’y imported na baboy nga, subject na rin siya sa price cap,” ani Roque sa isang online briefing.

Ang Executive Order 124 na inilabas kamakailan ng pangulo ay nagtatakda ng price ceiling na P270 per kilogram para sa kasim at pigue, P300 per kilogram para sa liempo, at P160 per kilogram naman para sa dressed chicken sa Metro Manila sa loob ng 60 days.

LATEST

LATEST

TRENDING