Malacañang, idiniing dapat unti-unting buksan ang ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Kinilala ng Malacañang noong Martes ang isang bagong survey na nagpakita na mas naging konti ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho sa ikaapat na quarter ng 2020, at idiniing dapat dahan-dahanin ng bansa ang pagbubukas ng ekonomiya.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), mayroong 12.7 milyong Pilipino ang walang trabaho sa ikaapat na quarter ng 2020, kung saan kumakatawan ito sa 27.3 percent ng adult labor force.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang nasabing datos ay maituturing na improvement mula sa record-high na 45.5 percent na adult jobless rate noong Hulyo, bagama’t malayo pa ito mula sa pre-pandemic levels.

“Bago mag-COVID-19, 19.8 (percent) iyong ating joblessness. Ngayon po, 27.3 (percent). Mataas pa rin po iyan, bagama’t kahit papaano po, we find solace in the fact na bumaba nga po itong joblessness,” wika ni Roque.

“Ito po ang dahilan kung bakit kinakailangang magbukas pa rin tayo ng ating ekonomiya nang sa ganoon mas marami sa ating mga kababayan ang makapagtrabaho,” dagdag pa nito.

Ipinapakita sa SWS sa huli nitong surveys na nag-improve ang estado ng bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho, mula sa 23.7 milyong Pilipino na nawalan ng trabaho kung saan kumakatawan ito sa 39.5 percent ng adult labor force.

Ang jobless rate sa bansa ay nasa 17.5 percent noong Disyembre 2019, ang huling sukat bago manalasa ang Covid-19 pandemic.

Samantala, iniulat naman ng Philippine Statistics Authority na ang unemployment rate ng bansa sa fourth quarter ay nasa 8.7 percent, o katumbas ng 3.8 milyong unemployed na Pilipino.

Ito aniya ang pinakamababang jobless rate simula Abril 2020, bagama’t mas mataas kumpara sa 4.6 percent sa parehong panahon sa nagdaang isang taon.s

Gumagamit ng ibang metrics ang PSA at SWS upang sukatin ang unemployment.

LATEST

LATEST

TRENDING