Galvez: PH, pumirma ng term sheets sa 5 vaccine companies para sa 108 milyong doses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na pumirma na aniya ng term sheets ang pamahalaan sa limang vaccine companies, kung saan titiyakin nito ang 108 milyong doses ng mga bakuna kontra Covid-19 ngayong taon.

“Out of seven companies, we have already signed term sheets with five and we have already locked the supply of 106 to 108 [million] doses,” ani Galvez noong Lunes sa isang televised meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal.

“By this coming February second week, we are trying to come up with the supply agreements with vaccine manufacturers, and we will also include the two remaining contracts we are negotiating,” dagdag pa nito.

Hindi naman ibinunyag ni Galvez kung aling mga kumpanya ang nakausap ng pamahalaan. Subalit, sinabi nito noong nakaraang buwan na nasa “advanced stages of negotiations” na ang pamahalaan sa American pharmaceutical companies na Novavax, Pfizer, at Johnson and Johnson, Chinese drugmaker na Sinovac, at Russian medical research institute na Gamaleya.

Sa kabuuang, target ng pamahalaan na bumili ng nasa 146 hanggang 148 milyong doses ng bakuna mula sa pitong manufacturers sa 2021, giit ni Galvez. Kung maisasakatuparan ito, 70 milyong Pilipino ang mababakunahan.

Ito ay bukod pa umano sa 44 milyong doses na tiniyak naman ng COVAX facility para sa bansa. Sa kabuuang doses, 5.6 milyon dito ang ide-deliver sa unang quarter ng taon. Ang pinakamaagang darating sa bansa ay isang batch ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines, na inaasahan sa gitna ng buwan.

Posible ring magkaroon ng access ang bansa sa 5.5 milyon hanggang 9.2 milyong doses ng AstraZeneca vaccines na gawa sa South Korea sa dulo ng buwan o sa Marso kung makatatanggap ito ng emergency use listing galing WHO.

LATEST

LATEST

TRENDING