Kamara, inaprubahan ang 2 bills na nagsususpinde sa SSS & PhilHealth contribution hike

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan ng Kamara sa huling pagbasa noong Lunes ang dalawang panukalang batas na hiwalay na nag-aawtorisa sa Pangulo upang suspendehin ang pagtaas sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Ipinasa ng Mababang Kapulungan ang House Bills 8512 at 8461 upang bigyang kapangyarihan ang presidente na suspendehin ang implementasyon ng scheduled increases sa contribution rates para sa SSS at PhilHealth.

“Still confronted with the challenges brought by the pandemic, however, the general public’s clamor for a reprieve from this additional financial burden prompted even the President to ask PhilHJealth to defer the implementation of the increase,” ani House Committee on Health Vice Chairman Joet Garcia.

Ang pagsuspinde sa scheduled 0.5 percent rate hike ng PhilHealth ay hindi makakaapekto sa “financial viability” ng social health insurance program, giit naman ni Marikina Rep. Stella Quimbo, awtor ng HB 8461.

“The expected collections from direct contributors for 2021 amount to P86.8 billion, which means suspending the scheduled hike results in the foregoing of about P12 billion, an amount that clearly the reserve fund can absorb,” paliwanag ng kongresista.

Kabilang sa mga bumoto laban sa mga bills ay sina Bayan Muna Representatives Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite, habang idiniing temporaryong solusyon lamang ito at hindi dapat pahintulutan ang anumang increase.

“Sa HB 8512, nakadepende na lamang sa Presidente sa konsultasyon sa Secretary of Finance kung isususpinde ang awtomatikong pagtaas,” wika ni Gaite sa bill tungkol sa SSS contributions.

“Dahil temporaryo, panandalian lamang ang relief sa ating mga manggagawa… Ni hindi na kinokonsulta ang mga miyembro at mga manggagawa,” dagdag pa nito.

Sa halip na bigyang kapangyarihan ang Pangulo na suspendehin ang SSS rate hikes, dapat umanong tuluyang ibasura ang scheduled increase para rito, pagbibigay diin naman ni Cullamat.

Aniya, “Sa halip na pigain ang mamamayan, matagal nang ipinapanawagan na ipagbuti ng SSS ang collection efficiency nito mula sa mga delinkwenteng employer.”

“Hindi dapat hintayin pa ang state of emergency para tanggalin ang awtomatikong pagtaas sa SSS contributions,” dagdag pa nito.

Ipapasa na ang nasabing bill sa Senado, kung saan kinakailangang magpasa ng isang counterpart measure bago ito isumite sa Malacañang para sa pirma ng Pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING