Covid-19 vaccines na matatanggap ng PH mula sa COVAX, ‘di na libre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Bloomberg

Nasa tinatayang 22 milyong mga Pilipino ang matuturukan ng bakuna kontra Covid-19 mula sa mga makukuhang bakuna galing sa COVAX facility, pahayag ng representante ng World Health Organization (WHO) sa bansa. 

Ang WHO ay isa sa mga nagtayo ng COVAX facility kabilang ang iba pang mga grupo upang isulong ang pantay na access ng Covid-19 vaccines sa mundo.

Sinabi ni WHO Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na tiyak na may makukuhang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ang Pilipinas na darating sa sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero, at 5.5 milyon hanggang 9.2 milyon naman ng AstraZeneca vaccines bago matapos ang unang tatlong buwan ng taon.

“The COVAX facility has an agreement with Philippines. We will provide vaccines to 20 percent of the population or 22 million people… [or] up to 44 million doses,” wika ni Abeyasinghe.

Gayunpaman, hindi na raw libreng ibibigay ang mga nasabing bakuna at babayaran na ito sa maliit na halaga. Ito aniya ang tinatawang na co-financing.

Aniya, “Initially the plan was to make this free but latest communication apparently looking for some costs… Lowest possible costs because of the scale of purchase… It’s minimal.”

Sa ginawang listahan ng COVAX facility, mauuna sa vaccine priority list ang mga frontliners at matatanda.

“We have a say on who to vaccinate first,” giit ni Abeyasinghe.

Binanggit din ng WHO official na maganda ang vaccination rollout plan ng pamahalaan.

Subalit, binigyang diin nito na hindi agarang babalik sa dating pamumuhay ang mundo bagama’t may bakuna na. Posibleng umabot pa aniya ng dalawang taon bago tuluyang magbukas ang mundo.

“Vaccines will not reopen the world right now. Transmission will continue, we won’t be able to vaccinate everyone until 2 years from now. No one is safe until everyone is safe,” paglilinaw ni Abeyasinghe.

Sa ngayon, tinatalakay pa rin sa WHO kung kinakailangang magkaroon ng vaccination certificate ang mga bumibiyahe pagdating ng panahon. 

LATEST

LATEST