PH, makatatanggap ng Pfrizer at AstraZeneca Covid-19 vaccines simula gitnang Pebrero

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nakatakdang makatanggap ang bansa ng unang bugso ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca Covid-19 vaccines mula sa COVAX Facility simula sa gitna ng buwan.

Sa isang liham sa Department of Health (DOH), inilahad ni COVAX Facility Managing Director Aurélia Nguyen na ipamamahagi ng kanilang tanggapan sa bansa ang 117,000 doses ng Pfizer BNT162b2 vaccine at mula sa pagitan ng 5,500,800 hanggang 9,290,400 na indicative doses naman ng AstraZeneca AZD1222 vaccine. Ito ay nadepende sa supply agreements ng UNICEF Supply Division at Pan American Health Organization sa mga naufacturers.

Ang COVAX ay isang global initiative na layong tiyakin ang agaran at equitable access sa Covid-19 vaccines para sa lahat ng bansa.

Ayon kay Nguyen, ang delivery ng mga bakuna sa nasabing timeframe ay nakadepende rin sa pagkumpleto ng distribution requirements.

Ang mga ito ay ang indemnity and liability frameworks, kabilang ang required legislative framework; at execution at pagbibigay ng documentation ng national regulatory approval o proof of recognition o reliance sa isa pang uri ng regulatory approval, import license, at signed indemnity and liability agreement.

“We will be regularly communicating updates on expected doses and remain confident that we will be able to meet our commitment to you by the end of 2021,” ani Nguyen.

Noong Lunes, binanggit ng DOH na patuloy ang pagtanggap ng bansa na vaccine allocation para sa 20 percent ng populasyon mula sa COVAX. Gayunpaman, 15 percent lamang ang libre habang ang natitirang 5 percent ay babayaran ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng ahensya na ang badyet para sa 5 percent ay tiniyak na.

LATEST

LATEST