PH, makatatanggap ng P5.6-M Pfizer at AstraZeneca Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr.

Makatatanggap ang bansa ng hindi bababa sa 5.6 milyong doses ng Covid-19 vaccines mula sa COVAX Facility, pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. noong Linggo.

Ayon sa opisyal, inaasahang darating sa bansa sa unang quarter ng taon ang mga bakunang gawa ng Pfizer at AstraZeneca.

“Today, we received a letter from Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, officially informing the Philippine government that the country stands to receive a total of 9,407,400 doses from the two pharmaceutical makers within the projected first and second quarters of this year,” pahayag ni Galvez.

Makatatanggap ang Pilipinas ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine, at mula 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses naman ng AstraZeneca vaccines mula sa WHO-led COVAX Facility.

“I would like to emphasize that according to COVAX the number of doses and the projected arrival of the vaccines are all indicative since it all depends on the global supply,” dagdag pa ni Galvez.

Nauna nang ginawaran ng Food and Drug Administration ng emergency use authorizations ang parehong Pfizer at AstraZeneca vaccines.

Hinikayat naman ni Galvez ang publiko na “isantabi ang pangamba” at tanggapin ang mga bakuna kapag dumating na ang mga ito.

“We would therefore like to urge all Filipinos to set their fears aside and have themselves inoculated once these vaccines are available. Again, we would like to assure our countrymen that all the vaccines the government will be administering must pass the stringent selection and evaluation process of the Vaccine Expert Panel, FDA, and the Department of Health,” paliwanag ni Galvez.

Idiniin din ng opisyal na dahil sa mga bakunang matatanggap galing sa COVAX Facility, mababakunahan na ng bansa ang mga health workers, medical personnel at iba pang rontliners.

Aniya, “This positive news is a testament that under the COVAX facility, it ensures equitable distributions of vaccines throughout the globe, which bodes well with the Duterte’s administration principle of “Walang maiiwan, walang iwanan.”

LATEST

LATEST