Maynila, balak gawing Covid-19 vaccination sites ang mga simbahan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Manila PIO

Pinag-iisipan ng Lungsod ng Maynila ang paggamit sa mga simbahan bilang Covid-19 vaccination sites, pahayag ni Manila City Mayor Isko Moreno noong Biyernes.

Aniya, “Malaking bagay rin ang simbahan dahil may bubong na maayos. Maganda ang arrangement. This might be considered.”

Nakatakdang makipagpulong ang alkalde kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo upang talakayin ang proposal.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Pabillo na sang-ayon silang ipagamit sa city government ang mga simbahan bilang Covid-19 vaccination sites.

“Siguro kailangan nila malalaking simbahan so maghahanap kami. Kung ano ‘yong mga kinakailangan nilang facilities at kung saang area,” ani Pabillo.

Ayon kay Pabillo, ang mga simbahan sa Maynila ay mayroong ibang pasilidad tulad ng gyms at halls. Posible rin umanong makatulong ang staff ng simbahan sa pagtatalaga ng vaccination sites.

Sinabi ni Moreno na layunin nilang bakunahan ang hanggang sa 1,000 residente mula sa 18 vaccination sites na kanila nang tinukoy.

Bibigyang prayoridad sa vaccination ang medical frontliners, guro, at matatanda.

Ibinunyag din ni Yorme na tinatayang nasa 76,000 residente na ang nag-pre-register para sa vaccine program. Ang mga ito ay makatatanggap ng bakuna matapos ang priority sector. 

Nakapagtiyak na ang Maynila ng 800 doses ng AstraZeneca, na sapat para bakunahan ang 400,000 katao.

Upang mapaigting ang vaccine confidence, iginiit naman ni Moreno na tutuparin niya ang kanyang pangakong magpabakuna sa harap ng publiko.

Aniya, “Sabi ko nga, para lang mabawasan ‘yong pangamba ng utaw, eh papaturok ako sa bagay na ipapaturok ko sa kanila.”

LATEST

LATEST

TRENDING