Isko, sang-ayon magpaturok ng Sinovac Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Manila City Mayor Isko Moreno

Inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno nong Biyernes na sang-ayon siyang magpaturok ng Sinovac Covid-19 vaccine sa mata ng publiko kapag naaprubahan ito ng pamahalaan.

Ayon sa alkalde, naging “half-hearted” siya tungkol sa bakuna, subalit nagbago aniya ang kanyang pananaw nang makita itong isinaksak kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia.

“This is now my personal belief. Sertipikahan ng FDA (Food and Drug Administration) at ng mga espesiyalista ng ating bansa na ito ay ligtas at nagkamit ng EUA (emergency use authorization), anuman ang product na ‘yan, kahit saan pa sila galing, at ‘yung ating mga espesiyalista have affixed their name and signature there, ituturok ko sa katawan ko,” paliwanag ni Yorme.

Inihahalintulad ito ni Moreno sa “principle of temperature” kung saan “anything above 0 is positive.”

“So if I will have 50 percent protection for my body if I’m going to be infected by Covid-19, it is still better than zero,” dagdag pa nito.

Sang-ayon umano siyang isapubliko ang kanyang pagbabakuna upang hikayatin ang mga taong magpabakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Aniya, “Kung gusto natin ng katapatan at nanghihikayat tayo ng iba, ng mga kababayan natin, let’s show them that you’re going to shoulder also some level of risk, the same thing na nararamdaman ng ating mga mamamayan.”

Tinatapos pa ng Sinovac ang EUA application nito sa Pilipinas, bagama’t maaari nang makapag-umpisa sa Covid-19 vaccine clinical trials sa bansa sa malapit na hinaharap, ayon kay FDA Director General Eric Domingo.

Sa ngayon, Pfizer at AstraZeneca pa lamang ang inaprubahan para sa emergency use.

LATEST

LATEST

TRENDING