Nationwide Covid-19 saliva testing, ilulunsad ng Red Cross sa Pebrero 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Philippine Red Cross chairman at Sen. Richard Gordon

Ang mas mura at non-invasive na Covid-19 saliva testing ay nakatakdang i-rollout simula Pebrero 1, ayon kay Philippine Red Cross chairman at Sen. Richard Gordon noong Miyerkules.

“Our goal is to go nationwide by Feb. 1,” pahayag ni Gordon.

Noong Lunes, binuksan ng PRC ang saliva-based testing services nito sa Mandaluyong City, kung saan matatagpuan ang headquarters nito, pati na rin sa laboratoryo nito sa Port Area, Manila.

Pinahintulutan ng Department of Health ang PRC noong nakaraang linggo para sa pagdaraos ng saliva tests matapos ang pagkakakumpleto ng isang pilot study nito sa 1,000 samples. Sa nasabing test rest, 17 positive cases ang na-detect mula sa saliva test habang 9 naman ang na-detect mula swab tests.

Ang isang saliva test ay nagkakahalaga ng P2,000 subalit posible pa umano itong magmura kung tatangkilikin ng tao. Maaaring i-book online sa PRC website ang serbisyo para sa saliva test.

Mas mabilis din ang turnaround time ng naturang test, kung saan makapaglalabas na ng resulta sa loob lamang ng 6 hanggang 12 oras kumpara sa isang araw ng swab testing.

LATEST

LATEST