Mga magpapabakuna sa PRC, maaari ring mag-sponsor ng bakuna para sa mahihirap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang mga nagnanais mabakunahan kontra Covid-19 sa pamamagitan ng Philippine Red Cross (PRC) ay maaari ring mag-sponsor sa pagbabakuna ng mga indibidwal na hindi kayang makapagbayad sa sarili nilang bakuna.

Ayon kay PRC chairman at Sen. Richard Gordon, ang bilang ng mga bakung bibilhin ng sponsors ay hahatiin nang patas at ipamamahagi sa mga mahihirap na Pilipino.

“Halimbawa, ako nagbigay— bumayad ako ng isa para sa akin. Ililibre ko yung isa na mahirap,” paliwanag ni Gordon.

Tiniyak naman ni Gordon sa publiko na walang kikitain ang PRC sa ganitong sistema at marami na aniyang tao ang sumang-ayon na lumahok dito.

Nag-reserve na rin umano ang PRC ng doses ng mga bakuna mula AstraZeneca at Moderna.

LATEST

LATEST