Health authorities, hindi pa nakatatanggap ng tugon mula sa PSG kaugnay ng vaccination isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi pa nakatatanggap ng tugon ang health authorities mula sa Presidential Security Group (PSG) patungkol sa katanungan hinggil sa vaccination ng mga personnel nito, pahayag ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo noong Miyerkules.

“The Secretary of Health sent a letter to the PSG asking for the list of whoever was vaccinated, if they were vaccinated, and what the vaccine was, so that they can be monitored and checked for adverse events,” ani Domingo sa The Source ng CNN Philippines noong Miyerkules.

“But I don’t think there’s been any reply,” dagdag pa nito.

Naunang nagsagawa ng imbestigasyon ang FDA tungkol sa pagpasok ng “smuggled” at unregistered na Covid-19 vaccines sa bansa, matapos ang rebelasyon na nabakunahan na ang security personnel ni Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t wala pang pahintulot mula sa FDA.

Unang dinipensahan ito ng Malacañang, at iginiit na nais lamang aniya ng PSG na tiyakin ang kaligatasan ni Duterte mula sa virus at nakahanda umano ang mga ito na humarap sa anumang kaparusahan.

Inamin ni Domingo na hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng mga nasabing bakuna dahil may “very little information” umano hinggil dito.

Subalit, sinabi nitong makikipag-ugnayan ang ahensya sa iba pang awtoridad upang masiguro sa lahat ng pantalan na walang makakapasok na anumang unauthorized na produkto.

“Just to make sure that the only vaccines that are coming in are those that are authorized, that we are assured of the quality, and assured that they are not even counterfeit or substandard,” sabi ni Domingo.

LATEST

LATEST

TRENDING