Galvez: Gobyerno, naghahanda na para sa Covid-19 vaccination program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Inihayag ng Vaccine czar ng pamahalaan noong Lunes na naghahanda na ang gobyerno para sa rollout ng Covid-19 vaccination program nito, kasabay nang pagbaba ng kumpiyansa ng mga Pilipino tungkol sa pagbabakuna.

Ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr., nag-umpisa na sila ni Health Secretary Francisco Duque III na bisitihain ang mga cold chain facilities bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakuna sa bansa.

Wala umanong dapat ipangamba ang mga Pilipino sapagkat ang mga biniling vaccine brands ng pamahalaan ay ginamit na sa milyun-milyong tao sa buong mundo.

“Para magkaroon ng confidence ang ating mga mamamayan, ‘yung halos apat dito po sa nakuha natin na vaccine ay widely-used na po, katulad po ng Pfizer, na kukuha rin po tayo, may 35 million na po na nabakunahan,” ani Galvez.

Nag-umpisa na rin aniya ang pamahalaan, sa tulong ng pribadong sektor, na magpakalat ng impormasyon tungkol sa mga bakuna.

Aniya, “Bumababa po ‘yung willingness at uptick nung atin pong mga kababayan dahil nga po sa mga nakikitang adverse effects ng certain brands. At the same time, malakas po ‘yung social media ng mga anti-vaxxers.”

Batay sa isang pag-aaral ng independent research group na OCTA Research, 1 out of 4 lamang, o 25 percent ng mga residente ng Metro Manila ang sang-ayon magpabakuna kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING