Duterte, pinaalalahanan ang mga Pinoy na isuot nang wasto ang face masks

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino noong Lunes na isuot nang tama ang face masks habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa, sapagkat napansin niya umano na ilang mga kababayan ang hindi sumusunod sa minimum public health standards.

“Wear it properly. Kasi ‘yung iba nagma-mask ta’s nakikita ko ‘yung ilong ninyo sumasabit doon just on the edge of the mask, the upper portion. It does not really give a relief at all kung ganun ka-careless ang tao na gumagamit,” ani Duterte sa isang public briefing.

“I hope that you would be religious in obeying the injunctions na sinasabi ng ating mga medical persons, simply because we’re trying to save our country,” dagdag pa nito.

Ang paalala ng pangulo ay nangyari sa parehong araw nang pagkakatala ng Department of Health (DOH) ng 1,581 na mga panibagong Covid-19 cases para sa kabuuang 514, 996 cases sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING