Duterte: ‘Debt of gratitude’ sa SAF44, ‘hindi mababayaran’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na ang “debt of gratitude” ng bansa para sa 44 police commandos na binawian ng buhay sa isang anti-terror raid noong 2015 ay “hindi mababayaran,” anim na taon mula sa kanilang pagkasawi sa Mamasapano, Maguindanao. 

Nauwi sa trahedya ang misyon ng mga Special Action Force troopers na arestuhin ang isang al Qaeda-linked bomber matapos silang ma-ambush at malamangan ng mas nakararaming rebelde noong Enero 25, 2015.

“An enduring testament to the unyielding commitment of the uniformed personnel to fight all threats to our national security, this heartbreaking incident serves as a painful yet necessary reminder to all of us that the struggle for peace comes with a very heavy price,” wika ni Duterte.

“Please know that we owe you a debt of gratitude that cannot be repaid, and that you have the love and respect of a grateful nation,” giit ng pangulo sa mga pamilya ng nasawing mga pulis. 

Ang nangyaring patayan sa Mamasapano ay lubhang nakaapekto sa negosasyon tungo sa kapayaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at ng pamahalaan.

Noong 2018, nilikha ang isang bagong Bangsamoro region o “nation of Moros.” 

LATEST

LATEST