Roque: Duterte, sa ‘puwet magpapasaksak’ ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Kinumpirma ng Malacañang noong Martes na pribadong tuturukan si Pangulong Rodrigo Duterte ng bakuna kontra Covid-19, bagama’t kaliwa’t kanan ang panawagan sa kanyang magpabakuna sa mata ng publiko upang maitaas ang kumpiyansa ng taumbayan sa mga bakuna.

“Tatahakin” aniya ng pangulo ang ruta nina Queen Elizabeth II at asawang si Prince Philip nang magpabakuna ang mga ito nang pribado, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“I think so. He has said so,” ani Roque nang tanungin kung pinal na ang desisyon ng pangulo. 

Dagdag pa, “Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak, hindi pupuwedeng public.”

Unang tinanggihan ni Roque na hindi umano sumang-ayon si Duterte na magpabakuna sa publiko dahil naturukan na ito ng bakuna kasama ang kanyang security noong nakaraang taon.

Samantala, “extremely popular” umano ang pangulo, pahayag ni Dr. Tony Leachon, isang dating adviser ng isang government task force kontra Covid-19.

“If he would be able to show to the public his inoculation with whatever vaccine he chooses, I’m certain vaccine hesitancy rate will go up,” sabi ni Leachon.

“Sobrang popular ni Pangulo, so makakatulong sana to boost ‘yung confidence ng ating mga kababayan kung makita siya [magpabakuna],” naunang sabi naman ni Vice President Leni Robredo.

Batay sa isang inilabas na Pulse Asia survey kamakailan, halos kalahati ng mga Pilipino o 47 percent ang ayaw magpabakuna kontra Covid-19 dahil sa agam-agam tungkol sa kaligtasan nito.

“The next big challenge is to convince the public to get vaccinated once doses become available,” giit ni Leachon.

LATEST

LATEST