Kontrobersyal na P15-B pondo ng PhilHealth, hindi ‘nawawala’ ayon sa pinuno ng ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Mayroong “sapat” na pondo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ngayong taon, habang nalalapit nang makumpleto ang liquidation ng kontroberysyal na P15 bilyong pondo ng ahensya,  pahayag ni PhilHealth President and CEO Dante Gierran noong Martes.

Sa isang media briefing sa Malacañang noong Martes, pinabulaanan ni Gierran na nawawala ang nasabing pondo.

Aniya, “Sa totoo lang po, hindi nawawala, nandyan lang. On record po, ang utos ng Senado tsaka ng lower House, sabi i-liquidate. Sa ngayon po, 92% na ang liquidated. Kakaunti na lang po.”

Idiniin ni Gierran na hindi niya papayagang manakaw ang pera ng taumbayan alinsunod sa kanyang track record bilang dating direktor ng National Bureau of Investigation.

Siniguro rin nitong may sapat na pera ang ahensya upang ipagpatuloy ang operasyon nito sa kasagsagan ng pandemiya.

Kung PhilHealth lang po, we have money. As a matter of fact, sige-sige naman po ang ating collections. May collections naman tayo,” dagdag pa ni Gierran.

May reserve fund umano ang ahensya na aabot sa P132 bilyon, na maaaring magamit sakaling magkaproblema sa kontribusyon ngayong taon. Patuloy din umanong pinoproseso ng PhilHealth ang pagbabayad sa natitirang P300 milyong utang nito sa Philippine Red Cross, pati na rin ang iba pang delayed claims sa ibang healthcare providers.

“Ang natira na lang something like ₱300 million. Our history of payment is klaro. Sige-sige lang ang bayad natin basta lang matapos ang validation ng test,” wika ni Gierran.

Binatikos ang PhilHealth matapos sabihin ng isa nitong dating opisyal noong Agosto 2020 na ninakaw ng “mafia” ang aabot sa P15 bilyong pondo nito sa pamamagitan ng iba’t-ibang modus.

Dahil dito sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ang dati nitong pangulo na si Ricardo Morales at iba pang mga opisyal ng ahensya.

LATEST

LATEST