Duterte, binawi ang pagpapahintulot sa mga edad 10-14 na makalabas ng bahay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binabawi niya ang naunang kautusan na nagpapahintulot sa mga batang edad 10-14 na makalabas ng kanilang mga tahanan para sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ito ay matapos pahintulutan ng Inter-Agency Task Force ang mga menor de edad na makalabas ng kanilang tahanan para sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.

Ayon kay Duterte, binawi niya ang pagpapaluwag ng age restrictions dahil sa pagtatatuklas ng bagong variant ng Covid-19 sa Northern Luzon.

Aniya, “Ang sa akin is as a precaution because there is a strain discovered in the Cordillera that is very similar sa strain dito sa United Kingdom. How it got there is beyond me. Hindi ko talaga [alam] bakit dumating doon.”

“Balik ho muna kayo sa bahay muna, and besides, ‘yung 10 years old to 14, itong mga mas matanda na, mahirap i-manage pero itong mga 10, 11, 12, puwede na sila sa TV. They can glue their attention sa TV the whole day,” paliwanag ng pangulo.

Iginiit ng pangulo na nais niyang protektahan ang publiko mula sa bagong Covid-19 variant, na mas nakakahawa.

“Just to be sure and in a desire to protect our people, napilitan akong i-reimpose ‘yung 10 to 14,” sabi ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING