Duterte, binanatan ang mga kritiko laban sa gov’t Covid-19 vaccine plan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko na nagsabing napigilan nila ang overprice o kurapsyon sa pagbili ng Covid-19 vaccines, sapagkat wala umanong bahid ng katiwalian ang transaksyon ng pamahalaan sa mga vaccine manufacturers.

“I take exception to the statement that they were able to prevent corruption or an overprice because of their vigilance. No. Far from it actually. You were just muddling up,” ani Duterte sa lingguhang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Lunes.

“I will take a look and ask around if it is really a reasonable pricing for us,” dagdag pa nito.

Idiniin ng pangulo na ang lahat ng vaccine deals ay sumasailalim sa wastong proseso alinsunod sa batas at ito ay mabusising pinag-aaralan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Aniya, “Kung sino nagsabi niyan, please rise and be brave enough that you’re the one. I’d like to talk to you.”

Tila pinapatamaan ng pangulo ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na nagsasabing ang isinagawang Senate hearing tungkol sa vaccine deals ay maaaring nakatulong sa pagsugpo ng katiwalian sa vaccine procurement.

“If it’s true that government is now dropping the price of Sinovac vaccine from ₱1,847.24 per dose to only ₱650, the senate has probably done our share to save our people billions of pesos in the country’s vaccination program,” wika ni Lacson sa isang tweet.

Unang binanggit ni Lacson na ang China-made Sinovac Covid-19 vaccine ay posibleng nagkakahalaga lamang ng $5 bawat dose, subalit ang presyo nito sa bansa ay maaaring pumalo sa $38 o mahigit ₱1,800.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing nito na ang presyo ng Sinovac ay nasa ₱650 lamang bawat dosage. Nakapagtiyak na ang pamahalaan ng 25 milyong doses ng China-made vaccine.

Umaasa itong maide-deliver sa bansa ang unang 50,000 doses sa Pebrero kung saan unang babakunahan ang mga medical frontliners at iba pang priority sectors.

LATEST

LATEST