Roque, inabisuhan ang AFP na maging mas ‘prudent’ matapos ang red-tagging sa UP alumni

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Nagbigay ng advice si Presidential Spokesperson Harry Roque sa militar matapos itong humingi ng tawad sa alumni ng University of the Philippines bunsod ng pagpapabilang sa kanila sa listahan ng mga umano’y recruits ng New People’s Army (NPA).

“I can only speak for the President, noh. So I can only suggest that they be more prudent para hindi na po napapa-apologize ang ating Secretary of National Defense,” ani Roque.

Humingi ng tawad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa UP lumni noong Linggo matapos isama ang mga ito sa ngayo’y burado nang Facebook post na nag-uugnay sa mga estudyante na umanib aniya sa New People’s Army. Kumalat ang nasabing post hindi lamang sa Facebook kundi pati na rin sa iba pang social media platforms.

Nangyari ang apology matapos ilarawan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang insidente bilang “unpardonable gaffe.”

Si Atty. Raffy Aquino, na naisama sa naturang listahan, ay unang naghikayat sa AFP na mag-public apology. Si Aquino, na miyembro ng Free Legal Assistance Group, ay nagsabing kakasuhan nila ang militar dahil sa isinagawang “red tagging.”

Samantala, inamin naman ni Roque na walang “overall communication plan” sa “red-tagging.”

“We leave that to the defense establishment, sila po iyan,” sabi nito.

Ang mga pangyayaring ito ay matapos tapusin ni Lorenzana kamakailan ang UP-DND Accord of 1989, na nagbabawal sa mga pulis at sundalo na pumasok sa UP campuses nang walang pahintulot mula sa UP administration.

LATEST

LATEST