Lacson: Isyu sa Covid-19 vaccine prices, nananatiling ‘hanging issue’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sinovac Covid-19 vaccine

Ang presyo ng Covid-19 vaccines na ipo-procure ng pamahalaan ay nananatiling “hanging issue” kahit na nagsagawa na ng pagdinig ang Senado tungkol dito, pahayag ni Senador Panfilo Lacson noong Lunes.

“Most of the concerns have been addressed during the three hearings, especially on the third hearing or after we had this informal hearing with [vaccine czar] Sec. [Carlito] Galvez,” ani Lacson sa isang panayam sa The Source ng CNN Philippines.

Dagdag pa nito, “Maraming na-resolve na issues but then one hanging issue is on the prices or the pricing of particularly Sinovac.”

Naging sentro ng atensyon ang Sinovac vaccine mula China sa nakalipas na mga pagdinig ng Senate Committee of the Whole, matapos maging tikom ang bibig ng mga opisyal hinggil sa eksaktong halaga ng mga bakuna dahil aniya sa nondisclosure agreement.

Sa pagdinig noong Biyernes, hindi pa rin ibinunyag ni Galvez ang tunay na negotiated price ng Sinovac doses, subalit iginiit na nasa “advantage” ang bansa.

Unang sinabi ng Malacañang na ang bawat dose ng nasabing bakuna ay nalalapit sa P650 ngunit hindi lalagpas ng P700.

Bagama’t hindi pa rin nareresolba ang isyu, umaasa si Lacson na nabigyang linaw ang publiko tungkol sa iba pang mahahalagang aspeto sa vaccination plans ng gobyerno.

Aniya, “Medyo namulat din and I think assuming that there was an attempt at overpricing – siguro may na-achieve din ‘yung Senado para ma-preempt if ever there was an attempt at overpricing.”

LATEST

LATEST