DND, nagpasalamat kay Duterte sa pagsang-ayon nitong bumili ng mas maraming helicopters

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Larawan mula sa: Reuters

Nagpasalamat ang Department of National Defense (DND) noong Linggo kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagnanais nitong bumili ng mas maraming helicopters upang palitan ang tumatandang UH-I “Huey” combat utility helicopters ng Philippine Air Force (PAF).

Naglabas ng pahayag si DND spokesperson Arsenio Andolong matapos ang anunsyo ng pangulo noong Biyernes tungkol sa pagkuha ng mas maraming helicopters para sa PAF at sa pag-decommission ng mga luma nitong assets upang maprotektahan ang buhay ng military personnel.

“The DND expresses its sincerest gratitude for President Duterte’s approval of the purchase of more helicopters for the PAF to replace the ageing Hueys,” dagdag pa nito.

Idiniin din ni Andolong na nakatanggap ang PAF ng anim na modern S-70i “Black Hawk” noong nakaraang taon. Ito ay kabahagi ng 16 units na in-order mula sa Polish company na Polskie Zaklady Lotnicze Sp.z.o.o. na manufactured sa ilalim ng license mula Sikorsky USA.

Ang kabuuang order ay nagkakahalaga ng $241 milyon o nasa P11.5 bilyon.

Ang natitirang 10 S-70 ay inaaasahang ide-deliver sa bansa ngayong taon.

Ang mga “Black Hawks” ay nabili sa pamamagitan ng government-to-government transaction sa Poland. Nakumpleto ang mga negosasyon noong 2019. Ang pagkuha sa S-70i combat utility helicopters ay kabahagi ng Horizon 2 ng AFP Modernization Program.

“With the President’s announcement of his intention to acquire more helicopters, we see it as a positive development as the procurement of additional combat utility helicopters (CUH) can now proceed smoothly and without delay because it came from the President himself,” dagdag pa ni Andolong.

LATEST

LATEST

TRENDING