DILG, in-extend ang road clearing para sa LGUs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya

Nagpasya ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na palawigin ang road clearing operations nito hanggang Pebrero 15, upang mapayagan ang local government units (LGUs) na magkaroon ng mas mahabang oras upang bumuo ng vaccination plan kontra Covid-19.

Sa inilabas na pahayag noong Sabado, iginiit ng DILG na mabibigyan nito ng mas mahabang oras ang LGUs na ihanda ang kani-kanilang vaccination plans laban sa Covid-19.

“We need to give LGUs time to focus on their local vaccination plans,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

“The Department is fully cognizant of the urgency for LGUs to prepare their vaccination plans against COVID-19 that’s why the road clearing timeline is extended anew,” dagdag pa ni Malaya.

Binigyang diin din ng opisyal na hindi na magbibigay ng deadline extension ang ahensya.

Naunang ipinag-utos ng DILG sa mga LGUs na bumuo ng sarili nilang vaccination plan, kung saan kabilang dito ang preparasyon ng risk communication plans at pagsasagawa ng maagang vaccine communication campaign upang magpakalat ng impormasyon tungkol sa Covid-19 vaccination.

Inabisuhan din ang mga lokal na pamahalaan na makipag-coordinate “nang malapitan” sa Department of Health – Centers for Health Development para sa naturang plano.

LATEST

LATEST