NTC, makikipagpulong sa telcos para talakayin ang internet speed sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Linggo na makikipagpulong ito sa mga telecom firms at sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang tiyaking “makukumpleto” sa oras ang mga plano para sa pagpapabuti ng internet connection sa bansa.

Ang unang bi-monthly meeting ay gaganapin sa unang linggo ng Pebrero, kung kailan inaasahang magbibigay ng briefing ang telcos sa NTC tungkol sa estado ng kanilang network roll-outs at sa mga kinaharap nitong suliranin.

Sinabi rin ng NTC na magsusulong ito ng “front-loaded implementation of telcos’ roll-out plans, particularly for the first 2 quarters of 2021.”

Ang pagmo-monitor ng ahensya ay matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020 na “ipasasara” niya ang lahat ng telcos at i-e-expropriate ang kanilang mga serbisyo kung hindi bubuti ang sitwasyon ng internet sa dulo ng 2020.

Ayon sa NTC, base sa datos mula sa Ookla Speedtest Global Index, ang mobile Internet connection speed ng bansa ay nasa 22.50 megabits per second (mbps) noong Disyembre kumpara sa 18.49 mbps sa nagdaang buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING