NCR mayors, itinangging may problema sa contact tracing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Robert Oswald P. Alfiler (PNA)

Itinanggi ng mga alkalde ng Metro Manila noong Linggo na nahuhuli sila sa isinasagawang contact tracing sa kani-kanilang mga lokalidad.

Ito ang naging reaksyon ng mga opisyal matapos tawagin ang kanilang pansin ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong para sa umano’y kakulangan ng contact tracers at transparency para sa mga naiuulat na Covid-19 case sa mga lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, lumalabas ang kanilang test results sa loob lamang ng isang araw at agaran nilang isinasagawa ang contact tracing. Mas mataas umano ang naiuulat na datos ng lungsod sa bilang ng Covid-19 cases kumpara sa datos ng Department of Health (DOH).

Aniya, “I think he was present in the previous meetings ‘nung matataas pa ‘yung case ng Navotas… I even complained to the DOH not because their case record is higher than ours, but I always tell them na mali ang record niyo kasi mas mataas ‘yung actual cases namin kaysa doon sa records niyo.”

Iginiit din ni San Juan Mayor Francis Zamora na may sapat silang contact tracers sa siyudad. Kasalukuyan umano silang may 50 active cases habang nasa 145 naman ang contact tracers.

“Ito ay sapat na bilang sa amin especially because as of yesterday we only have 52 active cases in San Juan. ‘Di naman po kami nagkukulang, in fact we always had enough contact tracers because we believe contact tracing is vital in our fight against COVID-19, so we make sure na hindi tayo nagkukulang kailan man sa contact tracers,” wika ni Zamora.

Samantala, ibinunyag naman ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na binawi ng Interior Department ang contact tracers ng lungsod..

“Despite the pullout of the DILG contact tracers, the city government still has enough contact tracers that are locally funded,” pahayag ng alkalde.

Dagdag pa nito, “Our number stands at 200 manning our mega contact tracing center. On top of this, our contact tracing efforts are expansive given that we use Valtrace, our own QR code contact tracing system.”

Pinuri pa umano ni Magalong ang kanilang mga ginawang hakbang noon

“A couple of months ago Mayor Magalong lauded our contact tracing efforts as being one of the best in the country and we have maintained the same operational levels and standards,” ani Gatchalian.

Ayon kay Magalong, ang ideal ration para sa contact tracing ay one patient is to 37 contacts.

LATEST

LATEST