Duterte, ‘ipupusta’ ang pagiging pangulo para patunayang hindi kurap si Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte sa integridad ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. matapos manawagan ang ilang mambabatas para sa transparency sa presyo ng mga bakuna kontra Covid-19 na binibili ng pamahalaan sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac Biotech.

Ayon sa pangulo, ipupusta niya ang kanyang pagiging presidente upang patunayang hindi kurap si Galvez.

“Pusta ko ang presidency ko. Walang graft iyan. Si Secretary Galvez kilala ko,” ani Duterte said sa isang speech sa Jolo, Sulu noong Biyernes.

Tinanggihan ni Galvez ang pagbubunyang sa aktwal na presyo ng Sinovac vaccine alinsunod umano sa nondisclosure agreement sa Sinovac. Noong Nobyembre, inihayag ng Department of Health (DOH) sa Senado na ang dalawang doses ng CoronaVac, na gawa ng Sinovac, ay nagkakahalaga ng mahigit ₱3,600. Subalit, sinabi kinalaunan ng Malacañang na nasa ₱650 lamang bawat shot ang halaga nito.

Tiniyak ni Galvez sa mga senador na ibubunyag niya ang totoong presyo kapag nilagdaan na ang kasunduan sa manufacturer. Wala umanong “kurapsyon” sa negosasyon ng pamahalaan sa vaccine manufacturers.

Unang kinuwestyon ng ilang senador kung bakit pumapabor ang pamahaalan sa CoronaVac ngayong may iba pa namang brands na may mas mataas na efficacy rates.

Base sa late-stage trials sa Brazil, ang efficacy rate ng CoronaVac shot ay nasa 50.38% lamang, mas mababa sa ibang vaccine frontrunners.

LATEST

LATEST

TRENDING