2 komite ng Kamara, inaprubahan ang bills na nag-aawtorisa sa Pangulo na suspendehin ang PhilHealth at SSS hike

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inaprubahan ng dalawang komite sa Kamara noong Huwebes ang mga panukalang nagpapahintulot sa Pangulo na suspendehin ang scheduled contribution hikes tuwing may national emergencies.

Inaprubahan ng Committee on Health ang House Bill No. 8316, o an act granting the country’s chief executive the power to suspend scheduled contribution increases of Philippine Health Insurance Corporation, amending section 10 of the Republic Act No. 11223, o ang Universal Health Care Law.

Sa isang position paper, sinabi ni PhilHealth President at CEO Dante Gierran na sinusuportahan nila nang buo ang panukala “provided that the subsequent scheduled increases in the premium contributions shall be adjusted to fall on the years following the lifting of the suspension.”

“Implementation of comprehensive outpatient benefits will also be deferred when there is no corresponding premium increase being implemented,” dagdag pa nito.

Sa ginanap na pagdinig, binanggit naman ni Nerissa Santiago, Acting Executive Vice President at COO na PhilHealth, na ilang mga programa ang maaapektuhan dahil sa panukalang inihain. Halimbawa, ang implementasyon ng kanilang out-patient program na “Konsulta” sa ilang bahagi ng bansa ay malilimitahan, o di kaya ay mare-recalibrate ang ibang benefit packages.

Subalit, pinabulaanan ito ni Marikina Rep. Stella Quimbo at sinabing ang existing packages ay hindi dapat maapektuhan sapagkat ang ipinagbabawal lamang ng panukalang batas ay ang koleksyon ng mas mataas na premiums, at hindi ipinag-uutos ang mas mababang kontribusyon.

Sa ilalim ng batas, ang mga miyembro ng PhilHealth ay kinakailangang mag-contribute ng 3.5% mula sa kanilang buwanang sahod simula Enero 2021, kung saan tataas ito hanggang nang hanggang 5% sa 2025. Subalit, sinuspinde ang pagpapatupad nito alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, inaprubahan naman ng Committee on Government Enterprises and Privatization ang HB No. 8317 na nagbibigay awtoridad sa Pangulo na suspendehin ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Sa pagdinig, nagbabala naman si SSS President at CEO Aurora Ignacio na posibleng mawalan ang ahensya ng tinatayang nasa ₱15 bilyong kung isusulong ang suspensyon. Tataas din ang trilyong pisong layabilidad ng SSS hangga’t itaas ang paniningil nila ngayon taon.

Nagpatupad ng adjustment ang SSS ngayong taon kung saan 13% na mula sa dating 12% ang member contributions.

Ang naturang dalawang bills ay parehong inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco na ngayon ay ipapadala sa plenaryo para sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

LATEST

LATEST

TRENDING