Infra spending, bumaba nang 50% noong Nobyembre dahil sa quarantine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Bumaba ang infrastructure spending ng pamahalaan sa ikalimang buwan noong Nobyembre bunsod ng mga umiiral na quarantine protocols na nakaapekto sa sektor ng construction.

Bumaba ang infrastructure at iba pang capital outlays sa nasabing buwan pababa sa ₱40.3 bilyon, o 50.2% decrease mula sa ₱80.9 bilyong ginastos noong Nobyembre 2019, batay sa datos ng Department of Budget and Management (DBM). Ang huling datos ay mas mababa rin nang 29.4% mula sa ₱57.1 bilyong ginastos noong Oktubre.

Ayon sa DBM, ang mga pagbabang ito ay dahil sa “various delays caused by the imposition of community quarantine measures to contain the further spread of COVID-19 in early 2020,” pati na rin sa “one-time expense” noong 2019 para sa building constructions ng Land Transportation Office at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Samantala, ang expenditures mula Enero hanggang Nobyembre ay pumalo nang ₱548.8 bilyon, o mas mababa nang 22% sa ₱703.8 bilyong ginastos sa parehong panahon noong 2019.

“[A]s expected, infrastructure and other capital outlays were lower year-on-year mainly due to the delays encountered in the implementation of public works during the imposition of COVID-19 community quarantine measures, and the discontinuance or deferment of some capital outlay projects which can no longer be implemented nor completed because of the pandemic pursuant to the Bayanihan I Law,” nakasaad sa nasabing report.

Umaasa ang DBM na bibilis ang spending sa Disyembre kumpara sa mga nagdaang buwan, dahil sa hakbang ng mga departamento na “pabilisin” ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto.

Kinumpirma rin ng Malacañang noong Huwebes na nagkaroon ng delay sa paggastos dahil sa pandemiya, at sinabing ilang buwan din ang itinagal bago mapagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATD) ang pagbabalik ng construction projects, partikular na sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine o ECQ.

“Talaga pong nagkaroon ng delay pero kampante naman po tayo it will not translate to underspending because we actually disbursed more than what we expected to disburse,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang regular virtual briefing.

LATEST

LATEST

TRENDING