Diokno, ibang BSP officials nahaharap sa kasong graft dahil sa ₱1.75B national ID deal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
BSP Governor Benjamin Diokno

Nahaharap sina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno at iba pang opisyal ng ahensya sa graft complaint na inihain sa Ombudsman tungkol aniya sa maanomalyang awarding ng milyong pisong kontrata sa isang kumpanya para sa pagrenta ng equipment na may kaugnayan sa production ng national ID cards.

Ayon sa nagreklamong si Ricardo Fulgencio IV, chairman ng Stop Corruption Organization of the Philippines Inc., sina Diokno at iba pang respondents ay “pumabor” sa OVD Kinegram AG at in-awardan ito ng deal na aabot sa ₱1.75 bilyon nang hindi nasasagawa ng public bidding para sa pagrenta ng card production at personalization equipment.

Kabilang sa nasabing pondo ang ₱904.8 milyon para sa diffractive optically variable image device (DOVID) materials at ₱841 milyon para sa polycarbonate sheets.

Responsibilidad ng BSP ang printing sa physical cards ng national ID, na layong ikonsolida ang government-issued IDs at magsilbing valid proof of identity para sa lahat ng Pilipino at foreigners.

“Evidently, public officers conspiring with private bidders to ‘employ schemes which tend to restrain the natural rivalry of the parties or operates to stifle or suppress competition and thus produce a result disadvantageous to the public’ are criminally liable under the GPRA (Government Procurement Reform Act),” pahayag ng reklamo.

Ang “preference” umano ng mga respondents sa Kinegram ay nag-alis ng oportunidad sa iba pang DOVID suppliers na makapag-bid sa poryekto at ninakawan din nito ang gobyerno ng “most advantageous terms for the supply of such raw materials,” ani Fulgencio.

“Clearly this is a corrupt practice of public officers,” dagdag pa nito.

Bukod kay Diokno, inirereklamo rin ang mga sumusunod na opsiyal ng BSP:

– Prudence Angelita Kasala, chairperson ng Bids and Awards Committee (BAC) ng BSP – Security Plant Complex (SPC)

– Rogel Joseph Del Rosario, Banknotes and Securities Printing Department (BSPD) director

– Carl Cesar Bibat BSP-SPC acting production manager

– Marianne Santos, BAC vice-chairperson

– Salvador Del Mundo at Giovanni Israel Joson, BSP-SPC-BAC members

Bukod sa GRPA, inakusahan din ang mga respondents ng paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Act, at si Kasala para sa paglabag sa Executive Order No. 2 – Series 2016.

Sa hiwalay na pahayag noong Huwebes, tiniyak naman ng BSP na reresponde ang mga opisyal sa “proper forum once required in accordance with applicable rules.”

Sa kanyang briefing, kumpiyansa naman si Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa isyung kinakaharap ni Diokno. Mayroon umanong “full trust and confidence” si Pangulong Rodrigo Duterte sa opisyal kung kaya’t na-promote ito sa kanyang kasalukuyang puwesto.

“Naninindigan po tayo sa integridad ni Governor Diokno at alam naman natin na karapatan ng kahit sino ang magsampa ng kaso,” sabi  ni Roque.

Dagdag pa nito, “Pero kampante po kami at nagtitiwala na magbibigay-linaw po si Governor Diokno sa isyu na ito.”

LATEST

LATEST

TRENDING