Galvez, pinagpapaliwanag ng karagdagang detalye tungkol sa presyo ng Sinovac Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez

Sinabi ng ilang senador na magtatanong pa rin sila ng karagdagang mga detalye tungkol sa presyo ng Sinovac Covid-19 vaccines kapag muling isagawa ang pagdinig sa Biyernes.

Sa isang panayam sa CNN Philippines noong Huwebes, kinuwestyon ni Senadora Risa Hontiveros kung bakit ayaw ibunyag ng Pilipinas ang aktwal na presyo ng Sinovac vaccine, gayong ginagawa naman ito ng ibang ma bansa.

Aniya, “It shouldn’t be this major production. Simpleng tanong, simpleng sagot.”

“We buy an ordinary product from day-to-day, or we pay for a service in our homes. We ask and we are answered— Magkano? Kasi bahagi ‘yun ng desisyon natin as consumers,” giit nito.

“Wag tayong magtatago sa likod ng confidentiality disclosure agreement. Let’s have the transparency that will enable accountability,” dagdag pa ng senadora habang idinidiing kailangan ng publiko ng “malinaw na sagot.”

Samantala, nakipagkita naman si Vaccine czar Carlito Galvez, alisunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, kay Senate President Vicente “Tito” Sotto upang magbahagi ng ilang detalye kaugnay ng vaccine procurement nang magkaroon ng transparency. Ang nasabing meeting ay dinaluhan din nina Senador Panfilo “Ping” Lacson, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ayon kay Sotto.

Kinumpirma ni Sotto na mayroong mga nondisclosure agreements na ipinatutupad ng pharmaceutical companies, at sinabing agaran niyang ipagbibigay-alam sa ibang senador ang mahahalagang detalye tungkol sa mga dokumentong ito. Tiniyak umano ni Galvez na walang overpricing sa isinasagawang procurements.

Samantala, inabisuhan naman ni Lacson at ng iba pang mga senador si Galvez na ipaliwanag sa Biyernes ang iba’t-ibang isyu ng mga bakun “nang hindi nilalabag ang termino ng agreements” ng suppliers.

“His briefing clarified a lot of issues and concerns raised by the senators that have remained unresolved until last night,” wika ni Lacson.

“We advised him to explain in tomorrow’s hearing the same way that he did last night without violating the terms of the agreement with the vaccine suppliers,” dagdag pa nito.

“Nagbigay ako ng indicative prices. Nakita nila na ang potential gains natin ay umabot ng $1 billion. Nakita nila ang ginagawa natin ay may due diligence at prudence,” kwento naman ni Galvez sa Laging Handa briefing.

Samantala, siniguro naman ni Galvez na hindi siya magwo-walk out sa Senate hearing kapag ito ay nag-resume. Ito ay matapos abisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-walk out ito kapag naging “mapang-abuso” ang mga senador sa pagtatanong.

Aniya, “Mali ang balita na magwo-walk out po ako.”

“Nirerespeto natin ang oversight function ng Senate. Naiintindihan namin na to give clarity kung ano ang implementation at transparency sa aming ginagawa na negotiation,” giit ng opisyal.

LATEST

LATEST