Roque: ABS-CBN, kasama sa babala ni PRRD laban sa mga kumpanyang ‘di nagbabayad ng tamang buwis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Kasama sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kumpanya na ayusin ang kanilang mga obligasyon sa pagbabayad ng buwis bago maghangad ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes.

Sa kanyang briefing, idiniin ni Roque na ang sinabi ng pangulo sa lingguhang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases meeting ay sumasaklaw sa lahat ng kumpanya, kabilang ang media network na nabigo sa franchise renewal nito noong nakaraang taon.

“Lahat iyan ay addressed sa mga nag-a-apply ng prangkisa. Insofar as ABS-CBN is one of them, I guess it’s a safe conclusion that it is also applicable to ABS-CBN and all those who want a franchise,” paliwanag ni Roque.

Sa kanyang public address noong Lunes, hindi nagpangalan si Duterte ng espesipikong kumpanya subalit idiniin na ang mga hindi magbabayad ng kanilang buwis ay hindi makakakita ng “light of day” hangga’t hindi tinutupad ang kani-kanilang mga obligasyon.

Aniya, “For all I care, you can have a 1,000 franchise, you will not see the light of day until you come to government with clean hands. Wala akong galit, bayaran mo lang ang gobyerno, sasaludo ako sa inyo limang beses.”

Ang umano’y tax-avoidance schemes ng ABS-CBN Corporation ang itinuturo bilang isa sa mga rason kung bakit tinanggihan ng Kamara ang franchise renewal nito noong Hulyo 2020.

Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa network ang pagpapahinto sa operasyon nito noong Mayo 5, 2020, isang araw matapos ang expiration ng prangkisa nito.

Subalit, inabswelto na ng Bureau of Internal Revenue ang ABS-CBN noong Pebrero 2020 sa kahit anumang tax liability, at sinabing nagbayad ang kumpanya ng ₱70.5 bilyong buwis sa nakalipas na 17 taon.

Madalas banggitin noon ng pangulo ang pagpapasara sa ABS-CBN matapos nitong akusahan ang network nang hindi pag-ere sa campaign ads nito noong 2016.

Naghain naman ni hiwalay na bills sina Senate President Tito Sotto at Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto upang i-renew ang prangkisa ng network nang 25 taon. Malacañang, kumpiyansa sa takbo ng ekon

LATEST

LATEST

TRENDING