Pagpapalawig ng voting hours sa 2022 elections, kinokonsidera ng Comelec

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Pumapabor ang Commission on Elections (Comelec) para sa mas mahabang voting hours sa 2022 elections.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na mas pipiliin ng komisyong i-extend na lamang ang voting hours sa halip na magdaos ng eleksyon nang dalawa hanggang tatlong araw.

Aniya, “Nakikita po natin sa ibang bansa especially malalaking elections, they do have elections that last up to 12 hours.” 

Unang inihayag ng Comelec na pinag-isipan nito ang pagkakaroon ng two-day election sa 2022 upang tiyakin ang physical distancing.

Subalit, sa isang ginanap na Senate hearing tungkol sa paghahanda ng Comelec para sa susunod na halalan, nagkaroon ng agam-agam si Jimenez sa kung ano ang mangyayari kung mahigit isang araw ang eleksyon

“As far as the two to three days of elections, as you pointed out, there’s been a lot of concern about that. There’s been worry about what happens at night,” giit nito.

Bukod sa mas mahabang voting hours, sinabi rin ni Jimenez na nagbabalak ang Comelec na magdagdag ng mas maraming voting precincts.

Ang bawat presinto ay magkakaroon ng mas konting bilang ng botante upang matiyak ang physical distancing.

Binanggit din ni Jimenez na binabalak ng Comelec ang pagsasagawa ng early voting para sa mga senior citizens at persons with disabilities. Sa ngayon, tanging na piling opisyal ng pamahalaan pa lamang ang nakaboboto nang maaga.

Maganda po yung early voting and right now iyong thinking is to give vulnerable sectors particular priority sa early voting. We’re talking about senior citizens and perhaps persons with disabilities. Smaller populations of those particular sub-group will make it relatively easy to conduct early voting for them,” paliwanag ni Jimenez.

Sinabi naman ni Jimenez na kinokonsidera rin ng Comelec ang posibilidad ng mail-in voting. Subalit, nakadepende umano ito sa kapabilidad ng postal services sa bansa.

“For mail-voting to work, we need really the postal service. Comelec will take charge of the mail once it has been received by us but the process of getting it to us is something that is out of our control. Mas marami pong trabaho,” wika ni Jimenez.

Posible rin umano ang pagdaraos ng online o internet voting para sa mga Pilipino abroad.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Acting Vice Chairman for Overseas Voting Secretariat Edgardo Castro, magsasagawa ang DFA at Comelec ng mock voting sa susunod na buwan sa lahat ng tanggapan ng DFA sa buong mundo.

LATEST

LATEST

TRENDING