Galvez: Dami ng bibilhing Covid-19 vaccine, nakadepende sa ‘ranking’ ng brands

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Inihayag ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na ang dami ng bibilhing Covid-19 vaccines ay nakadepende sa ranking ng mga brands ayon sa pagsusuri ng vaccine expert panel.

Sa isang briefing noong Miyerkules, iginiit ni Galvez na ang nasabing ranking ay batay sa itinakdang criteria ng vaccine expert panel ng pamahalaan na inatasang magsuri sa kaligtasan at cost-efficiency ng mga bakuna.

“Iyong pitong options na tinitingnan namin ay based sa criteria na binigay ng vaccine expert panel and from there kapag binigyan ng rank ng VEP, binibigyan namin ng weight iyong nasa taas,” paliwanag ni Galvez.

Mas maraming bakuna ang bibilhin sa mga brands na matataas ang ranking. Nangunguna rito ang Pfizer-BioNTech. Kabilang naman sa top four ang Sinovac, Moderna, at AstraZeneca.

Tiniyak naman ni Galvez sa publiko na patas ang negotiated prices at mas mababa umano ito kumpara sa market prices ng bakuna.

Sa ngayon, nakapag-secure na ang pamahalaan ng 25 milyong doses ng Sinovac, kung saan ide-deliver sa bansa ang inisyal na 50,000 doses sa Pebrero 20, at susundan naman ng 950,000 doses sa Marso.

Tinatayang nasa 17 milyong doses naman ng AstraZeneca mula UK ang kabilang sa inaasahang mauunang dumating sa Pilipinas.

Samantala, ang Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccine naman ay inaasahang darating sa bansa sa loob ng first quarter, habang ang mga galing naman ng Moderna ay darating sa Mayo.

LATEST

LATEST

TRENDING