DSWD: Pagtaas sa 4Ps cash grants, ‘naaayon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang inirerekomendang increase sa financial assistance para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay naaayon.

Sa Laging Handa virtual briefing noong Miyerkules, sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje na suportado ng ahensya ang nasabing rekomendasyon, kung saan isa ito sa mga naging rekomendasyon ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong Disyembre,

Aniya, “Iyong sa rekomendasyon po nila na dagdag na cash grant ay sa palagay naman po natin ay napapanahon at dahil nga dito sa pandemyang hinaharap natin ay binigyan po natin ito ng konsiderasyon.”

Ayon sa pag-aaral ng PIDS noong nakaraang buwan, dapat pag-aralan ng DSWD ang pangangailangang gumawa ng “principle for adjusting the grant amount provided by the program ahead of the six-year schedule of reviewing the benefit level” na nakasaad sa Republic Act No. 11031 o ang 4Ps Act.

Napag-alaman ng pag-aaral na nananatili sa nominal levels ang cash grants sa pagitan ng 2008 at 2016, bagama’t nagkaroon ng ng inflation. Sa ilalim ng batas, ang ibinibigay na grants ay inaasahang babaguhin sa bawat anim na taon, alinsunod sa rekomendasyon ng Advisory Council ng programa.

Ipinaliwanag naman ni Paje na simula 2020, nagkaroon na ng mas malaking cash grants ang mga benepisyaryo sa ilalim ng 4Ps Act.

Inirekomenda rin ng grupo ang pagkakaroon ng improvement sa mekanismo hinggil sa pagde-deliver ng cash sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng expansion sa bilang ng ATMs at local bank branches para sa claiming ng nasabing grants, kasabay nang streamlining o pagpapabilis sa proseso tungkol sa pagsasayos ng mga reklamo tungkol sa cash at cash cards ng mga benepisyaryo.

“Alam po ng DSWD yung hamon ng cash grant delivery mechanisms kaya’t ito po ay ginagawa nating prayoridad na pag-aralan sa 4Ps National Project Management Office upang maibigay sa mga beneficiaries natin ang maagap at nararapat na cash grants,” ani Paje.

LATEST

LATEST

TRENDING