Roque: Duterte, suportado ang pagbuwag sa UP-DND accord

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
University of the Philippines (UP)

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na tapusin ang tatlong-dekada nitong kasunduan sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa mga militar at pulis na pumasok sa UP campuses nang walang pahintulot mula sa UP administration, pahayag ng Malacañang noong Martes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sumang-ayon umano si Duterte sa desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tapusin ang 1989-UP-DND Accord upang maprotektahan aniya ang kabataan mula sa recruitment activities ng Communist Party of the Philippines at ang armado nitong pangkat na New People’s Army.

“Si Secretary [Delfin] Lorenzana is an alter ego of the President. Of couse, the President supports the decision of Secretary Lorenzana,” ani Roque sa kanyang briefing.

Ayon kay Roque, na isang UP alumnus, sa kanyang 25-taong pamamalagi sa unibersidad bilang mag-aaral at propesor, hindi siya nakaranas ng pagbabanta mula sa mga awtoridad sa loob ng campus.

Aniya, “I don’t think the policemen were barred from UP. Even during the pandemic, I see them in the vicinity of the campus.”

Hinikayat din nito si UP President Danilo Concepcion na mag-isyu ng mas malinaw na pahayag kung bakit dapat irekonsidera ang pagbawi ng termination. Makikinig umano ang mga awtoridad sa paliwanag.

“Tingin ko naman po, sa tagal kong nanatili sa UP, hindi nila hahayaang malabag ang kanilang karapatan sa academic freedom,” dagdag pa ni Roque.

Malaya rin umanong nakakapagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad tulad ng ginagawa ng mga ito sa buong bansa. Subalit, dapat umanong patawan ng parusa ang mga ito kung lalabag sa humanitarian laws.

“They can do surveillance in the whole Philippines. Ang hindi po pwede ay to intrude into protected rights. Ang surveillance, hindi po ipinagbabawal iyan,” sabi ni Roque.

Binatikos naman ng UP community, mga kongresista, rights advocates, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan ang pagwawakas sa nasabing accord.

Naglabas na ng pahayag si Concepcion upang hiakayatin si Lorenzana na bawiin ang pagbuwag sa accord dahil ito ay para aniya maprotektahan ang klima ng academic freedom sa unibersidad. Ang unilateral termination ng kasunduan, kung saan walang konsultasyon ay maaari lamang umanong makapagpalala sa relasyon ng dalawang institusyon.

LATEST

LATEST